About Salimbay
SALIMBAY
Ano nga ba ang Salimbay? Ano nga ba ang kahulugan nito? At bakit "Salimbay" ang pangalang naturing sa aming grupo?
Ang kadalasang sagot na sasabihin ay dahil sa Salimbayang ginagawa (sabayan) ng mga tagak sa kanilang sama-samang paglipad sa hugis na letrang "V" (V-Formation).
Ang "Salimbay" ay pinaikling "Salimbayan". Mula ito sa kombinasyon ng mga katagang “salitan” at “sabayan” na ang bunga ay isang makinis o madulas na pinag-isang kumpas.
Parang mga umaawit sa koro o tumutugtog sa orkestra. Iba-iba ang itinakdang tono at iba-iba ang itinakdang kumpas nila pero pag pinakinggan mo sila nang magkakasama, maganda sa pandinig. Nandyan ang pinag-isang tinig ng iba’t ibang tono na may iba’t ibang kumpas.
Ito ang importante sa salimbayan: hindi kailangang iisa lamang ang kagalingan upang magsama-sama nang maayos at kapaki-pakinabang. Sa magagaling na pagkakaisa nga, iba’t iba talaga ang kakayahan. Kailangan ng PAGKAKAISA o TEAMWORK ang iba’t ibang galing na nagtutulungan o nagsasanib-sanib, o “nagsasalimbayan.”
SALIMBAYANI ang tawag sa bawat isa sa amin dahil sa isang hiling mula sa isang miyembro na maiuugnay sa salitang BAYANI na handang magsakripisyo para sa kanyang nasasakupan at para sa kanyang BAYAN.
Kami, ang bawat Salimbayani ay salimbayanihang isasabuhay ang aming natutunan bilang lider at handang harapin ang pagsubok sa paglaon nito. Kami,
Ayala Young Leader... Starfish Thrower...